Nation

COMPUTER CENTER IPINATATAYO SA BAWAT PUBLIC SCHOOL

/ 25 October 2020

BINIGYANG-DIIN ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na sa modernong panahon, bahagi na ng buhay ang paggamit ng computer kaya malaki ang bentahe sa trabaho ng mga estudyanteng may kaalaman sa teknolohiya.

Ito ang dahilan sa pagsusulong ng senador ng Senate Bill 594 o ang proposed Information and Communications Technology in Education Act.

“Computer and internet literacy is hard currency in most industries and in today’s labor market,” pahayag ni Recto sa kanyang explanatory note.

“Students who do not have access to computers and to the internet could potentally have slim chances of securing a job as opposed to students in most private schools who have had experience with ICT and training in search, retrieval and processing of information sourced from the internet,” dagdag ng senador.

Batay sa panukala, dapat maglagay ng  up-to-date computer facilities, kabilang na ang stable wireless network at equipment sa mga pampublikong elementary at secondary schools na magagamit ng mga estudyante sa research.

Kung maisasabatas ang panukala, sa loob ng anim na taon ay dapat may Computer Center na may stable internet connection ang bawat pampublikong paaralan.

Inirerekomenda rin ang pagsasanay sa mga educator sa paggamit ng ICT sa kanilang pagtuturo at palitan ang mga out-dated textbook ng up-to-date electronic books.

Mandato ng Regional Offices ng Department of Education at ng Department of Information and Communications Technology na maglunsad ng trainings sa mga guro na kanila namang magagamit sa classrooms.

Alinsunod pa sa panukala, magkakaroon ng online shared curriculum sa public schools upang tiyaking ang lahat ng estudyante, partikular ang mga nasa rural area ay magbibigay ng kaparehong kalidad ng edukasyon.

Ang DepEd, katuwang ng DICT, ay inaatasang bumalangkas ng ICT-based administrative system na magpapalakas sa organizational communication at pagpapaikli ng iba’t ibang proseso sa bawat paaralan.