Nation

COMMUNITY LIBRARY ITINAYO SA QUEZON CITY

/ 20 April 2021

ISANG community library  ang itinayo sa Quezon City para makatulong sa emotional at mental health sa gitna ng pandemya.

Ayon sa Facebook post ng The Happy Library, makatutulong ang pagbabasa ng libro para sa mental at emotional health ng bawat indibidwal.

“Naisip ko po na bukod sa community pantry, maaaring makatulong din ang pagbabasa ng libro para sa ating mental at emotional health. Kaya naman mas tumindi ang pagnanais ko na makapagbahagi ng mga libro sa maraming tao,” pahayag ng may-ari ng The Happy Library.

“Ngayon pong panahon ng pandemya, bukod sa maraming nawalan ng trabaho at mga mahal sa buhay, tumaas din ang bilang ng mga taong nagkaroon po ng anxiety at depression. Isa na rin po ako roon,” sabi pa niya.

At upang masiguro na virus-free ang mga libro, sina-sanitize muna ang mga ito bago ibigay at gamitin ng iba.

“All the books we have brought here have been sanitized/wiped clean with alcohol/Lysol and we have also put them individually/UV-lamped them in a UV box that we have at home. Also, the ones who touched the books were asked to sanitize their hands (with the hand sanitizer we have brought with us). Hindi na rin po namin ipinapasauli pa ang mga libro,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang nasa Benefits St., Brgy. Sangandaan, Project 8, QC ang nasabing community library.