Nation

COLLEGE OF MEDICINE SA MINDANAO STATE UNIVERSITY IPINATATAYO

/ 2 September 2020

NAIS ni South Cotabato 1st District Rep. Shirlyn Bañas-Nograles na magkaroon ng College of Medicine sa campus ng Mindanao State University sa General Santos City.

Layon ng House Bill 7473 ng mambabatas na mabigyang solusyon ang pangangailangan ng mga doktor sa Region 12 na mayroon lamang 114 practicing physicians para sa mahigit 4.54 milyong populasyon.

“The establishment of Mindanao State University College of Medicine in General Santos City will surely provide bright opportunity for the poor but deserving students in Southern Philippines to acquire excellent medical education and training from a State university not only because of the proximity of this learning institution to their residence but also because of the very minimal cost they would incur to becoming doctors of medicine,” pahayag ni Bañas-Nograles sa kanyang explanatory note.

Kung magiging batas ang panukala, maihihiwalay ang administrasyon ng MSU-College of Medicine sa extension program ng MSU-Marawi College of Medicine sa Iligan City.

Ito ay upang matiyak na magkakaroon ng awtonomiya ang College of Medicine mula sa main campus at mapatunayan ng MSU General Santos City ang kanilang kagalingan sa administrasyon ng independent medical degree course.

Alinsunod sa panukala, ang itatayong kolehiyo ay magbibigay ng advanced instruction at professional training sa medisina at magiging sentro ng kagalingan sa medical science and research.

Magkakaloob din ang Kolehiyo ng scholarship program at iba pang affirmative action programs upang tulungan ang mahihirap subalit kwalipikadong mga estudyante.