Nation

CODE/IT DIGITAL LITERACY PROGRAM NG AYALA FOUNDATION NASA SAN JUAN LGU NA

/ 10 November 2020

INILUNSAD ng Ayala Foundation at ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang <code/it> Digital Literary Program na magbibigay ng dekalibreng computer science education sa mga pampublikong mag-aaral ng lungsod ngayong panahon ng pandemya.

Konseptuwalisado ng Ayala Foundation at ng Microsoft, ang <code/it> ay ang natatanging programang tutok sa mga konsepto ng computer science and technology laan para sa mga batang Filipino.

Kasama sa <code/it> ang mga batayang coding lessons para sa Grades 3-6. Kabilang sa mga matututunan ng mga bata ang matematika sa loob ng pagko-code, critical thinking, problem-solving, logical reasoning, creativity, at innovation.

Ipakikilala rin sa kanilang murang edad ang kahalagahan ng pagiging computer literate sa panahong mabilis ang pag-unlad ng industriya ng agham at teknolohiya sa buong mundo.

“Students here in San Juan will benefit from the program. It is a sure edge in terms of being gainfully employed if the students were digitally trained and competitive early on,” pahayag ni San Juan Mayor Francis Zamora.

Ang memorandum of agreement ay nilagdaan noong Nobyembre 6  nina Zamora, Ortigas Land’s Trade Fairs and Exhibit Head James Candelaria, Ortigas Land President Jaime Ysmael, Ayala Foundation President Ruel Maranan, at Ayala Foundation Chief Information Officer Vivien Reyes.

Nakasaad sa MoA na ang unang ratsada ng pagsasanay ay para sa mga mag-aaral ng Pinaglabanan Elementary School.

Online din ang pagtuturo, lalo pa’t ipinagbabawal ang face-to-face classes, social gathering, at ang mismong paglabas sa tahanan ng mga batang may edad 15 pababa.