COA: 192 KLASRUM LANG ANG NAIPATAYO NG DEPED MULA SA TARGET NA 6K
NASA 192 silid-aralan lamang ang naipatayo ng Department of Education mula sa target nitong mahigit 6,000, ayon sa Commission on Audit.
“Only 192 (3.01 percent) out of 6,379 classrooms were completed/constructed in 2023 due to realignments because of modifications in the projects’ design,” nakasaad sa annual audit report ng ahensiya noong 2023.
“A total of 4,391 classrooms are still under construction, and 550 are yet to undergo various stages of procurement,” dagdag pa nito,
Lumitaw sa parehong report na bagama’t nakasaad sa Annual Procurement Plan (APP) ng DepEd na ang delivery ng 580,394 school furniture, partikular ang mga upuan, ay dapat mangyari mula May hanggang June 2023, ang mga kontrata nito ay natapos lamang noong December 2023.
“Thus, the target of 580,394 school seats to be delivered in 2023 was not accomplished,” ayon sa COA.
Nauna nang pinuna ng COA ang delay sa delivery ng nutribun at gatas sa mga rehiyon noong 2023.