CLOTHING COMPANY NAG-DONATE NG 200 TABLETS SA PASIG
NAG-DONATE ng gadgets ang Jag Jeans sa mga mag-aaral ng Pasig City para sa kanilang online learning, ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto.
“Thank you Jag for donating 200 tablets worth over P1 million for Pasigueño students,” sabi ni Sotto sa kanyang post sa Facebook.
Ang nasabing mga tablet ay ipamamahagi sa mga mag-aaral ng lungsod na hindi pa nabibigyan ng nasabing learning device nang magbukas ang klase noong Oktubre 5, ayon kay Sotto.
“Even though the local government unit bought learning devices for each student under DepEd [Department of Education] and PLP [Pamantasan ng Lungsod ng Pasig], there are still many from private schools and colleges who need help with their online classes,” wika ni Sotto.
“Sa tulong na to mula sa @JagJeans76, mabibigyan ng tablet ang mga nasa wait-list nating mag-aaral. Nasa 140 sila ngayon,” dagdag pa ng alkalde.
Maaaring mag-request sa scholarship office sa pamamagitan ng email ang mga mag-aaral na nangangailangan ng tablet.
Kamakailan lang ay bumili ang lokal na pamahalaan ng libo-libong tablet, laptop at iba pang learning devices na nagkakahalagang P1.2 bilyon para sa mga mag-aaral at guro ng lungsod mula sa elementarya hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan.