Nation

CLIMATE CHANGE EDUCATION IPINASASAMA SA SCIENCE CURRICULUM

/ 9 September 2020

SA LAYUNING maging bukas ang isipan ng mga kabataan sa pagbabago sa pag-uugali sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan, ipinanukala ni Senadora Imee Marcos na isama sa science curriculum ang climate change education.

Sa kanyang Senate Bill 1379 o ang proposed Climate Change Education Act, isinusulong ng mambabatas na ituro ang climate change sa curriculum ng Grades 2 hanggang Senior High School, pribado man o pampublikong paaralan.

“Climate change is a pressing concern worldwide,” pahayag ni Marcos sa kanyang explanatory note.

Sinabi pa ng senadora na batay sa pag-aaral, ang Filipinas ang numero uno sa mga bansa na pinakaapektado ng climate change dahil sa lokasyon nito.

“Thus, education and awareness-raising for the poeple to have informed decision-making, play an essential role in increasing adaptation and mitigation capacities of communities, and in empowering women and men to adopt sustainable lifestyles,” sabi pa ng senadora.

Batay sa panukala, kasama sa climate change education ang theoretical at practical components upang matiyak ang epektibong pagkatuto at pag-unawa ng mga estudyante.

Mandato rin ng Department of Education, alinsunod sa panukala,  ang pagsasagawa ng annual review sa pagpapatupad ng Climate Change Education para sa mas epektibong implementasyon at assessment sa learning outcomes ng mga mag-aaral.