CLASSROOM SHORTAGE PINASOSOLUSYUNAN NG SENADOR
AMINADO si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na kailangan na ng gobyerno ng tulong mula sa pribadong sektor upang malunasan ang matagal nang problema sa mga pasilidad sa mga paaralan.
Dahil dito, isinusulong ni Revilla ang Senate Bill 909 upang magkaroon ng sapat na capital outlay para sa Department of Education.
Sinabi ni Revilla na sa patuloy na pagdami ng populasyon ng mga estudyante, halos hindi nakakahabol ang bilang ng mga pasilidad tulad ng mga klasrum.
“The disparity between the number of students and the number of school facilities should be a problem acknowledged by the State,” pahayag ni Revilla sa kanyang explanatory note.
“The number of educational facilities built does not meet the yearly building requirements caused by the continous increase in enrolment,” dagdag pa niya.
Alisunod sa panukala, babalangkas ng komprehensibong programa para solusyunan ang classroom shortage.
Kasama sa panukala ang probisyon para sa build-operate-transfer, build-lease-transfer, build-transfer, rehabilitate-operat-transfer, at iba pang contractual arrangements para magamit ang government ayt private funds sa pagtatayo ng school buildings.
Magkakaroon din ng inter-agency committee na babalangkas at titiyak ng epektibong implementasyon ng programa ng Departmenf of Education.