CLASS OPENING IPINAATRAS SA OKTUBRE
TATLONG matitigas na boses sa Senado, kabilang ang dalawang senador na malapit kay Pangulong Duterte, ang dumagdag sa presyur upang maiurong ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24. Sinisilip ng mga ito ang buwan ng Oktubre upang maging pulido umano ang paghahanda ng mga guro, magulang at mismong mga mag-aaral sa pagtawid sa tinawag na ‘blended learning’ mula sa tradisyunal na face-to-face classroom instruction.
TATLONG matitigas na boses sa Senado, kabilang ang dalawang senador na malapit kay Pangulong Duterte, ang dumagdag sa presyur upang maiurong ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24. Sinisilip ng mga ito ang buwan ng Oktubre upang maging pulido umano ang paghahanda ng mga guro, magulang at mismong mga mag-aaral sa pagtawid sa tinawag na ‘blended learning’ mula sa tradisyunal na face-to-face classroom instruction.
“Kailangang mabigyan ang mga guro ng sapat na panahon upang maikasa ang bagong anyo ng pag-aaral na kinabibilangan ng digital interaction, modular materials at kumbinasyon ng dalawang Sistema,” pahayag ni Sen. Bong Go sa kanyang panawagan sa Department of Education na ipagpaliban muna ang school opening sa Agosto 24.
“At mahalaga rin ang kaligtasan ng mga guro at ibang education frontliners na magtatawid ng modular materials sa mga pamayanan sa kabila ng tumitinding banta ng pandemya. At isaalang-alang natin maging ang kahandaan ng kondisyong kaisipan ng mga kabataang hindi sanay gumamit ng digital gadgets na isusubo natin sa academic online interaction,” pahayag pa ng senador.
‘Tulad din ni Senador Francis Tolentino, inirekomenda rin ni Go na iatras sa Oktubre ang pagsisimula ng klase. “Nasa gitna ng pinaigting na laban sa coronavirus, hindi lang ang ating gobyerno, kundi tayong lahat na mamamayan nito kung saan maging ang kapitolyo ng bansa at mga karatig-rehiyon ay inilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine, kaya kailangan pa ng lahat na stakeholders ng edukasyon ang sapat na panahon upang maihanda ang kani-kanilang hanay sa pagbubukas ng klase na may naiibang pamamaraan,” ayon sa naunang pahayag ni Tolentino.
Samantala, nangangamba naman si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian sa posibilidad na tumaas ang Covid19 cases sa mga guro, school staff at magulang kung itutuloy ang pagbubukas ng klase sa August 24.
Sinabi ni Gatchalian na malalagay sa panganib ang mga guro at magulang na obligadong mamamahagi at kumuha ng mga self-earning modules dahil hindi naman maiiwasan ang physical interaction dito.
“Dapat nating tandaan na sa distance learning ay malaking bahagi ang pagdi-distribute at pagpick-up ng modules kaya may interaction talagang mangyayari. Mas nababahala ako dahil kung ipagpapatuloy ang August 24 ay siguradong distribution will be a big issue dahil magkakaroon ng interaction considering tumataas ang cases natin malalagay sa alanganin ang mga teachers and parents,” pahayag ni Gatchalian sa online media briefing.
Pero maaari naman umanong ituloy ang pagbubukas ng klase sa mga lalawigan o rehiyon na mababa o walang kaso ng Covid19 ‘tulad ng lalawigan ng Batanes na hanggang ngayon ay Covid19-free pa rin.
“Dapat maging flexible. Flexibility in terms of school opening dahil sinasabi naman natin sa NCR, Bulacan, Region 4A ay lumalala pero may areas na pwede nang buksan. Batanes zero cases pwede na sila buksan doon. Pero delikado ang mga lugar pag na-extend ang MECQ kaya I strongly suggest na ipostpone talaga ang opening ng mga klase,” pagdidiin pa ni Gatchalian.