CITIZEN SERVICE MOBILIZATION COMMISSION PINABUBUO
ISINUSULONG ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang panukala para sa pagbuo ng Citizen Service Mobilization Commission kasabay ng pagtatag ng Citizen Service Corps.
Sa kanyang House Bill 3762 o ang proposed Citizen Service Act, binigyang-diin ni Rodriguez na sa panahon ng national at local emergencies at contigencies, kailangan ng bansa ng updated citizen service law.
Ipinaliwanag ng kongresista na may mga panukala na sa dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa pagbabalik ng mandatory militarytraining sa Senior High School o sa Grades 11 at 12.
“However, this simplistic approach is legally flawed, practically impossible and fails to address the current needs of the nation,” pahayag ni Rodriguez sa kanyang explanatory note.
Ipinaliwanag ng kongresista na hindi sapat ang simpleng pagbabalik ng mandatory military training dahil maaaring manahin lang ang palpak na sistema ng lumang Reserved Officers Training Corps.
“Worse, such simplistic restoration institutionalized military training of minors in violation of existing laws and international conventions,” dagdag pa ng kongresista.
Batay sa panukala, magiging bahagi ng eskwelahan ng baccalaureate degree courses at technical vocational courses ang Basic Citizen Service Training Course.
Kasama sa ituturo ang external and territorial defense training; internal security and peace and order training at disaster risk reduction and managemeng training.
Magkakaroon din ng Summer Citizen Servie Training Camp na kabibilangan ng 30 araw na direct instruction and training kada taon na kukumpletuhin sa loob ng dalawang taon sa lahat ng baccalaureate degree courses at technical vocational courses.
Ang bubuuing Citizen Service Corps mula sa mga graduate ng Training Camp ay maaaring tawagin ng gobyerno para sa external and territorial defense, internal security and peace and order at sa disaster risk reduction and management.
Ang Citizen Service Mobilization Commission naman mangangasiwa sa mga training at titiyakin ang implementasyon ng batas.