Nation

CHRISTMAS WISH NG MGA KABATAANG LUMAD: LUMAD SCHOOLS MULING BUKSAN

MAY MUNTING kahilingan ang mga kabataang Lumad ngayong Pasko: Muling buksan ang kanilang mga eskuwelahan.

/ 18 December 2020

MAY MUNTING kahilingan ang mga kabataang Lumad ngayong Pasko: Muling buksan ang kanilang mga eskuwelahan.

“Sa papalapit na araw ng Pasko ay may mga nais ang mga kabataang Lumad, hindi munting regalo na galing kay Santa kundi mga dala-dalang panawagan na naging dahilan ng kanilang patuloy na paglaban sa karapatan sa edukasyon at lupang ninuno,” pahayag ng Save Our Schools Network.

Ayon sa grupo, naging mabigat at mahirap sa mga batang Lumad ang pagpapasara sa kanilang mga eskuwelahan ngunit isa sa mga nagbigay tulong at inspirasyon sa kanila ay ang ilang mga indibidwal at organisasyon.

“Ang nais namin ngayong Pasko ay mabuksan muli ang aming paaralan na ipinasara ng mga military at DepEd,” sabi ng isang kabataang Lumad.

“Tanging paaralang Lumad lamang ang nagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa Lumad ngunit ipinasara ito ng mga militar at DepEd dahil sa mga akusasyon at alegasyon,” dagdag nito.

Nasa 178 na Lumad schools ang ipinasara at mahigit 5,500 na estudyante ang hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral.