CHRISTMAS BREAK SA PUBLIC SCHOOLS SIMULA NA SA DISYEMBRE 19
MAGSISIMULA na sa susunod na linggo ang Christmas break sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, ayon sa Department of Education.
MAGSISIMULA na sa susunod na linggo ang Christmas break sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, ayon sa Department of Education.
Sa DepEd Order No. 34 o ang “School Calendar and Activities for School Year 2022-2023,” inanunsiyo ng kagawaran na magsisimula ang Christmas break sa mga pampublikong eskuwelahan sa Disyembre 19, 2022 at tatagal hanggang Enero 3, 2023.
Magbabalik ang mga klase sa Enero 4, 2023.
Ang SY 2022-2023 ay opisyal na nagsimula sa mga pampublikong paaralan noong Agosto 22. Mayroong 203 araw ng pasukan at magtatapos sa Hulyo 7, 2023 ang kasalukuyang school year.
Para sa kasalukuyang SY, sinabi ng DepEd na nakatakdang magsimula ang remedial classes para sa mga pampublikong paaralan sa Hulyo 17 at magtatapos sa Agosto 26, 2023.