CHINA NAG-DONATE SA DEPED NG 2K TABLETS
MAY 2,000 Huawei tablets ang donasyon ng Chinese Embassy sa Department of Education para maagapayan ang mga Filipinong mag-aaral sa panahon ng distance learning at online classes ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay Chinese Ambasaddor Huang Xilian, ito ay bilang suporta sa edukasyon ng mga kabataang Filipino lalo na ng mga higit na nangangailangan at nasa mga liblib na lugar ngayong nasa gitna pa ng pandemya ang buong mundo.
“The donation is intended to help the Philippine students to overcome difficulties and to get better access to distance learning resources amid the pandemic,” pahayag ni Xilian.
Dagdag pa niya, “The embassy would continue supporting the education endeavor of the Philippines to the best of its ability, and further implement the Chinese Government Scholarship and Chinese Ambassador Scholarship projects.”
Ang mga tablet ay personal na tinanggap ni Education Secretary Leonor Briones, kasama sina Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan at Presidential Assistant on Foreign Affairs at Chief of Presidential Protocol Robert Borje.
Nagpasalamat si Briones sa tulong ng embahada at nangakong sa abot ng makakaya’y gagabayan ang lahat ng mga paaralan sa buong Filipinas habang at pagkatapos ng nararanasang pandemya.