CHILD ABUSE SA PARENTS NA MABIGONG PAG-ARALIN ANG ANAK — HB 1049
ISINUSULONG ng isang kongresista ang pagpapataw ng parusa sa mga magulang o guardian na mabibigong pag-aralin ang kanilang mga anak.
ISINUSULONG ng isang kongresista ang pagpapataw ng parusa sa mga magulang o guardian na mabibigong pag-aralin ang kanilang mga anak.
Sa House Bill 1049, nais ni Cotabato 2nd District Rep. Rudy Caoagdan na isama sa mga Child Abuse Law ang hindi pagpapapasok sa paaralan ng minor children.
Binigyang-diin ng kongresista na ang edukasyon ay isa sa susi upang makaangat sa kahirapan ng buhay kaya maraming programa ang gobyerno upang maging accessible ito para sa lahat.
“Yet, data from the Department of Education on participation and completion rates of learners, especially in the lower and intermediate stages of formal education show a dismal fact,” pahayag ni Caoagdan sa kanyang explanatory note.
Alinsunod sa panukala, aamyendahan ang Republic Act 7610 upang isama ang hindi pagpapaaral sa mga anak bilang pag-abuso sa karapatan ng mga bata.
Ipinapanukala ng kongresista na patawan ng P5,000 multa at school-related community service sa loob ng anim na buwan ang magulang na lalabag sa unang pagkakataon.
Itataas sa P10,000 multa at isang taon na community service sa ikalawang paglabag at P15,000 na multa at 18 buwan na community service bukod pa sa tatanggalan ng parental control sa bata sa ikatlong paglabag.