CHED NAGPASAKLOLO SA KONGRESO PARA SA DAGDAG-BUDGET SA 2022
HINILING ni Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera ang tulong ng Kongreso para maibigay sa kanila ang hinihingi nilang pondo para sa susunod na taon.
Sa briefing ng House Committee on Higher and Technical Education, sinabi ni De Vera na mula sa P62 bilyon na hiniling nilang pondo, P52 bilyon lamang ang inirekomenda ng Department of Budget and Management.
Sa kabuuan, ang hinihiling ng ahensiya ay P62,397,993,000 subalit ibinaba ito ng DBM sa P52,603,169,000.
Ipinaliwanag ni De Vera na ang ibinawas na P9,605,716,948 ay laan sana para sa kanilang capital outlay projects.
Layon nitong palawakin ang kanilang Transnational Education Program sa regional offices.
Idinagdag pa ng opisyal na hindi rin ibinigay ang hinihingi nilang pondo para sa Universal Access to Quality Tertiary Education.
“We would like to ask the support of Congress to put back some of these items that we requested into the National Expenditure Program,” sabi ni De Vera