Nation

CHED KINALAMPAG NA IURONG DIN ANG SCHOOL OPENING

/ 16 August 2020

NAGING  #1 Local Trending Topic ang CHED noong Agosto 14 dahil sa kampanya ng mga estudyante sa kolehiyo na iurong din ng Commission on Higher Education ang iskedyul ng pasukan matapos na ianunsiyo ni Education Secretary Leonor Briones na sa Oktubre 5, 2020 na ang pagbubukas ng klase sa buong bansa.

Para kay @hwanggeumin, dapat ding ikonsidera ng CHED ang desisyon ng DepEd dahil ‘purely theory’ lamang ang kalalabasan ng online classes at kulang na kulang sa praktikal.

“College students will soon to be professionals, and they will be the backbone of the economy soon. Would you send unarmed soldiers to a battle?,” dagdag sa kanyang tweet na mayroon nang halos siyam na libong reaksiyon at halos apat na libong retweets.

IYA

“Good news” ang pag-uurong ng klase para kay @beljumatp na mainam kung susundan ng CHED. Gayunpaman, hirit niya, “knowing CHED, they won’t listen to the students’ requests.”

beljumatp

Susog sa naunang tweet ang opinyon ni @ultkwongyu na aniya’y  “very crucial” ang istatus ng Covid19 sa bansa at dapat ay hindi na maging “harsh” ang CHED sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Diin niya, #AcademicFreeze ang panawagan nila dahil  hindi nila kayang asahan ang internet para sa online classes.

PIA

Sapat na dahilan naman na ang mataas na matrikula para suspendihin din ng CHED ang klase ngayong taon, tirada ni  @lordtzuko. Para sa kanya, academic freeze ang solusyon.

LANCER

Sa kabila ng maingay na pulso ng mga mag-aaral ay kimi pa rin ang CHED sa isyu kung susundan ba nila ang DepEd sa desisyon ng pag-uurong ng klase o ipagpapatuloy ang planong online learning simula Setyembre.

Wala pang  pahayag si CHED Chairman Prospero de Vera ukol dito.