CHED FIELD OFFICE IPINATATAYO SA OCCIDENTAL MINDORO
ISINUSULONG ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato ang pagtatayo ng field office ng Commission on Higher Education sa kanilang lalawigan.
Sa paghahain ng House Bill 8548, iginiit ng kongresista na sa kasalukuyan, ang regional office ng CHED para sa MIMAROPA ay nasa National Capital Region.
“The MIMAROPA Region is composed of five provinces across four major islands namely Provinces of Occidental and Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan. The island provinces are always faced with distinct challenges when it comes to accessing key government services vital to improving our people’s quality of life,” pahayag ng kongresista sa kanyang explanatory note.
Sinabi ng mambabatas na sa pagkilala ng estado sa mahalagang papel ng kabataan sa nation building, dapat tiyakin ng gobyerno na may access ang higher educational institutions students sa serbisyo ng gobyerno para sa dekalidad na edukasyon.
“Education is given priority as part of its goal to pursue social progress ad total human development,” paalala pa ng mambabatas.
Alisunod sa panukala, magtatayo ng CHED office sa munisipalidad ng San Jose sa lalawigan ng Occidental Mindoro para sa pangangailangan ng buong rehiyon.
Ang field office ay pangungunahan ng provincial director na itinalaga ng CHED Chairman.