CCF LIFE ACADEMY IPINADEDEKLARANG INTERNATIONAL SCHOOL
ISINUSULONG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang panukala na kilalanin ang CCF Life Academy Foundation Inc. bilang educational institution of international character.
Sa kanyang Senate Bill 1969, sinabi ni Sotto na dapat kilalanin ang CCF Life Academy Foundation Inc. bilang international school na nagbibigay ng dekalidad na Christian education hindi lamang sa mga estudyante kundi maging sa pamilya ng mga ito.
Sinabi ni Sotto na simula nang itatag ang educational institution noong 2013, lumaki na ang populasyon nito sa 603 students na binubuo ng pitong nationalities, kabilang na ang mga Filipino.
“It provides a safe, multicultural, multilingual, learning environment for international students,” pahayag ni Sotto sa kanyang explanatory note.
“The vision of CCF Life Academy Foundation Inc. is that through global innovative education, its learners will be holistically developed, Christ-like servant leaders who love God and others, committed to make a positive difference in the world,” sabi ni Sotto.
Idinagdag pa ng senador na accredited na rin ng Association of Christian Schools International ang CCF Life Academy Foundation Inc. at kinikilala rin ng American, Singaporean at iba pang Christian international organizations.
“It is adopting the International Christian curriculum with emphasis on Math and Science and will be offering the International Baccalaureate Diploma in succeeding years,” paliwanag pa ni Sotto.
Batay sa panukala, bibigyang awtoridad ang CCF Life Academy Foundation Inc. na tumanggap ng donasyon upang maipatupad ang kanilang mga programa at bigyan sila ng awtoridad na magpagawa at magmay-ari ng sariling gusali na eksklusibo lamang sa educational purposes.
Bibigyan din ng karapatan ang educational institution na umupa o bumili ng property para sa paaralan.
Nakasad pa sa panukala na papayagan ang educational institution na tumanggap ng estudyante kahit ano pa man ang nationality.