CASH DONATION, IBA’T IBANG KAGAMITAN, MGA SASAKYAN TINANGGAP NG PNPA
UPANG makamit ang mahusay at maalwang pagsasanay ng mga kadete, tinanggap ng Philippine National Police Academy ang mga donasyong kagamitan, armas, bala, safety vaults at 10 transportation bus.
Ang turnover ceremony ng mga kagamitan ay pinangunahan nina PNP Chief, Gen. Debold Sinas; Directorate for Logistics, PMGen. Angelito Casimiro; at PNPA Director, MGen. Rhoderick Armamento habang sumaksi sina Bureu of Fire Protection Dir. Jose Embang Jr. at Atty. Collins Derk Isidro, VP For Legal ng Rural Transit Corporation.
Ang mga natanggap ng akademya na rifles, pistols, magazines, safety vaults at 10 bus ay gagamitin sa kanilang pagsasanay para sa dekalidad na kaalaman.
“The donation of the brand-new busses plays a compelling interest in the hierarchy of the Academy’s quest for excellence and competency as it will be utilized for various activities of outside engagements, immersion programs, educational tours, and inter-academy activities,” ayon kay Sinas.
Tumanggap din ang police academy ng cash donation sa pamamagitan ng tseke mula sa PNPAAAI BFP Chapter na nagkakahalaga ng P400,00 para sa kanilang programang “PANATA 2050,” na gagamitin para sa renobasyon ng mga palikuran sa loob ng academic building at iba pang construction activities para sa pangangailangan ng mga kadete upang maging maayos ang learning environment lalo na’t aarangkada na rin ang tri-semester format ngayong Academic Year 2021-2022.
Ang Armed Forces and Police Mutual Benefit Incorporated, sa pamamgitan ng kinatawan na si Ret. MGen. Rizaldo Lemoso, ay nag-donate din ng dalawang coaster unit at isang yunit ng van na gagamitin naman ng mga kadete sa kanilang outside engagement activities.