Nation

CASH AID SA MAHIGIT 9,000 PASAY STUDENTS

/ 31 August 2020

NASA 9,131 estudyante ng Pasay City ang kabilang sa August 26-September 1 batch na tatanggap ng tig-P3,000 tulong pinansiyal sa ilalim ng Financial Assistance to Students Program ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga benepisyaryo ay mula sa Marcela Marcelo Elementary School (1,706 students); Pasay City East High School (4,385) at Pasay City South High School (3,040 students).

Muling nagpaalaala si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga magulang ng mga estudyante na makipag-ugnayan sa pamunuan ng nabanggit na mga eskuwelahan at kanilang barangay officials para sa iskedyul ng kanilang cash aid distribution,  gayundin sa requirements at procedures, pati sa health protocols upang maiwasan ang pagkakasakit.

Inihahanda na rin ang iskedyul ng financial assistance distribution para sa iba pang mga paaralan ng lungsod.