Nation

CASH AID SA GRADUATING STUDENTS FAKE NEWS — DEPED

/ 7 May 2024

PINABULAANAN ng Department of Education na mayroon silang ipinamimigay na cash assistance sa mga graduating student.

Sa inilabas na misinformation alert ng DepEd, sinabing fake news ang umano’y ayuda para sa mga estudyante.

Batay sa fake post, makatatanggap ng P8,000 na cash assistance ang lahat ng graduating students sa senior high school, high school at elementary, at kailangan lamang mag-aplay at magsumite ng requirements.

Payo ng DepEd sa publiko, huwag agad maniniwala sa mga post sa social media at manatiling mapagbantay laban sa mga maling impormasyon.

Sa halip ay bisitahin lamang ang mga official announcement ng kagawaran mula sa official platforms nito.

Hinikayat din ng ahensiya ang publiko na i-report ang anumang misleading at mga kahina-hinalang impormasyon tungkol sa basic education sa [email protected].