Nation

CALOOCAN HANDA NA SA PAGBABAKUNA SA MINORS

/ 22 October 2021

HANDA na ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pagbabakuna sa mga may edad 12-17 na may comorbidity.

Nagsagawa ng inspeksiyon ang Caloocan Vaccination Team sa Caloocan City Medical Center at Caloocan City North Medical Center l kung saan isasagawa ang pagbabakuna kontra Covid19.

Tanging Pfizer at Moderna vaccines ang pinapayagan sa kasalukuyan na ibakuna sa nasabing age group.

Upang makakuha ng online appointment slot para sa 12-17 edad na may comorbidity, maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link:

  • Caloocan City North Medical Center (CCNMC)

bit.ly/ccnmc12-17

  • Caloocan City Medical Center (CCMC-South)

bit.ly/ccmcSouth12-17

Pinaaalalahanan ang mga magulang o guardian na kinakailangang nakahanda at kumpleto ang sumusunod na requirements bago magtungo sa vaccination site:

  1. Medical certificate mula sa doktor ng babakunahan.
  2. Dokumentong magpapatunay ng relasyon ng magulang/guardian at ng babakunahan tulad ng birth certificate.
  3. Valid ID ng babakunahan at ng magulang o guardian (Kinakailangang kasama ang magulang o guardian sa araw ng pagbabakuna).