Nation

BUDGET CUTS SA MGA PROGRAMA SA EDUKASYON WALA SA PANAHON — SOLON

/ 1 October 2020

KINUWESTIYON ni Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago ang pagtapyas sa budget ng mga ahensya ng gobyerno na nakatutok sa edukasyon, partikular sa scholarship program.

Sa pagtalakay sa panukalang 2021 national budget sa plenaryo ng Kamara, tinukoy ni Elago ang pagbabawas sa budget ng Technical Education and Skills Development Authority na mula sa hinihingi nitong P11.11 bilyon ay pinaglaanan lamang ng Department of Budget and Manegement sa ilalim ng National Expenditures Program ng P5 bilyon.

Sinabi ni Elago na dahil sa budget cut na ito, nasa 200,000 indibidwal ang posibleng hindi makatanggap ng tamang scholarship para sa sa training programs ng TESDA.

Pinuna rin ni Elago ang pagtapyas sa budget ng Philippine Science High School sa gitna ng implementasyon ng blended learning methods.

“This will seriously affect whether or not PSHS will be able to implement programs that will enable a safe return to classes for their students,” pahayag ni Elago.

Pinuna rin ng kongresista ang estado ng mga scholar ng Department of Science and Technology kasabay ng panawagan na luwagan muna ang regulasyon sa scholarship applications bunsod na rin ng restriksiyon sa mobility.

“No to budget cuts for health, safety, and education. Rechannel the funds for fascism to social services and pandemic response,” dagdag pa ni Elago.