BUDGET CUT SA DEPED PINALAGAN NG MAMBABATAS NA GURO
MULING pinuna ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglatag ng prayoridad ng pamahalaan sa pambansang pagpopondo para sa 2021 makaraang ibunyag ang pagbabawas ng budget para sa Department of Education.
MULING pinuna ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglatag ng prayoridad ng pamahalaan sa pambansang pagpopondo para sa 2021 makaraang ibunyag ang pagbabawas ng budget para sa Department of Education.
Sa ipinasang National Expenditure Program ng executive department sa Kongreso, pinaglaanan ang DepEd ng P606.6 bilyong pondo para sa susunod na taon na 9.54 porsiyentong mataas sa P552.99 bilyon ngayong 2020.
Sa kabila nito, sinabi ni Castro na sa kanilang pagsusuri ay nasa P9.3 bilyon ang kinaltas na pondo para sa mga programa ng DepEd.
“There are still cuts in the Department of Education amounting to P9.3 billion in programs vital to ensuring safe and quality education for all including Special Education Program, World Teachers Day Incentive, Basic Education Facilities among others. There are also cuts in various SUCs and programs of the Commission on Higher Education,” pahayag ni Castro.
Taliwas ito, ayon kay Castro, sa 3,000 porsiyentong dagdag sa pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ang malaking lumpsum ay nasa ilalim ng Office of the President bilang suporta sa Barangay Development Program na umaabot sa P16.4 bilyon.
“Ano ba talaga ang priority ng administrasyong ito? Defeating Covid o election war chest? Priority daw sa education, health at housing pero higit pa rin ang budget na inilalaan sa PNP at AFP?” tanong ng kongresista.
Tiniyak pa ng lady solon na kanilang bubusiiin ang bawat detalye ng panukalang pambansang budget para sa 2021.
“There is still a lot in the proposed budget and its misplaced priorities that need to be carefully scrutinized. A lot of questions left hanging and unanswered. We hope the House leadership will allow the maximum transparency and opportunity for the people and the House members to thoroughly scrutinize the 2021 proposed budget of the Duterte administration,” dagdag pa ni Castro.