Nation

BUBBLE TRAINING INILUNSAD NG PNP

/ 16 June 2021

KAHIT pa pandemya, tuloy ang pag-aaral at pagsasanay ng mga miyembro ng Philippine National Police.

Ayon kay dating PNP Spokesperson at ngayo’y PNP Training Service Director PBGen. Bernard Banac, nagpatupad sila ng ‘bubble training’ para sa iba’t ibang training course sa PNP.

Paliwanag ni Banac, ang training ay tumatagal ng 60 araw kung saan ang mga instructor at mga estudyante ay naka-isolate sa isang grupo.

Layunin nito na magpatuloy ang pagpapaunlad sa  kaalaman at kasanayan ng mga alagad ng batas.

Bago magsimula ang training, sinisuguro na ang lahat ng participants at instructors ay negatibo sa Covid19.

Si Banac ay isa sa mga opisyal na pumila sa Multi-Purpose Center ng Camp Crame para magpaturok kasabay ni PNP Chief, PGen. Guillermo Eleazar sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga tauhan ng PNP na kabilang sa A4 priority group kahapon ng umaga.