BONUS NG PASIG LGU SA HONOR STUDENTS: P30K FOR SUMMA, P25K FOR MAGNA, P20K FOR CUM LAUDE
NAMAHAGI ng cash incentives ang lokal na pamahalaan ng Pasig sa mga iskolar ng lungsod na nagtapos na may Latin honors.
Ang mga nagsipagtapos na summa cum laude ay tumanggap ng P30,000, habang ang magna cum laude ay P25,000 at cum laude, P20,000.
“Eleven graduates received their incentives this morning,” pahayag ni Pasig Mayor Vico Sotto sa kanyang Facebook post.
Ayon sa alkalde, maaari pa ring magpasa ng requirements sa scholarship office ng lungsod ang mga iskolar na hindi pa nakatatanggap ng kanilang cash incentive.
“We also reminded them that as the city and its taxpayers have helped them get through college, they should also find ways to give back to the city . . . whether it is through their time, volunteer work, or even helping other students when they become financially capable,” wika ni Sotto.
Sinabi rin kamakailan ng lokal na pamahalaan na ang mga technical vocational graduate na nagsipagtapos na valedictorian o first honor ay makatatanggap ng P10,000 at P5,000 para sa salutatorian o second honor.
Maaari ring makuha ang nasabing cash incentives sa pamamagitan ng PayMaya.
Noong nakaraang taon ay 110 iskolar ang tumanggap ng cash incentives mula sa lokal na pamahalaan dahil sa pagtatapos na may karangalan.