BONG GO TULOY ANG SERBISYO SA KABATAAN BILANG SENATE YOUTH COMMITTEE CHAIRMAN
SA IKALAWANG pagkakataon, muling itinalaga bilang chairman ng Senate committee on youth, health, and sports si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso.
Bilang chairman ng naturang komite, pinangungunahan n Go ang mga programang nakatuon sa pagbibigay ng konkretong suporta sa kabataan tulad ng youth leadership training, skills development workshops, at community engagement initiatives.
Kabilang sa mga tinututukan ni Go ay ang mga programang nagpapalawak ng access sa edukasyon, pagsasanay sa hanapbuhay, at pagbibigay kaalaman ukol sa tungkulin ng mga kabataang Pilipino.
Kasama rito ang ilang mga panukalang batas na tumutugon sa mga pangunahing isyu ng kabataan tulad ng Senate Bill 176 na may layuning magtatag ng Mental Health Offices sa mga state universities and colleges at Senate Bill 672 na isinusulong na maisama ang financial literacy at entrepreneurship sa basic education curriculum.
Kaugnay naman ng sports development, inihain din ni Go ang Senate Bill 678 para sa National Tertiary Games at Senate Bill 171 para gawing rehiyonal ang National Academy of Sports. Kabilang sa iba pang panukala ni Go ang Senate Bill 684 para sa scholarship ng mga anak ng nasawing uniformed personnel, Senate Bill 667 para sa benepisyo at proteksyon ng media at entertainment workers, Senate Bills 665 at 683 para sa pagtatayo ng regional drug rehabilitation centers, at Senate Bill 686 na naglalayong ipagbawal ang online gambling.
Sa kabuuan, kasalukuyan nang nakapaghain si Go ng 42 major bills para sa kabataan na patunay ng kaniyang layuning palakasin ang edukasyon, kabuhayan, at kalusugan ng bagong henerasyon.