Nation

BLUETOOTH SPEAKERS SA TAYTAY (RIZAL) KINDER PUPILS

/ 8 September 2020

SINIMULAN na ng pamahalaang bayan ng Taytay, Rizal ang pamamahagi ng bluetooth speakers sa mga Kindergarten pupil ng mga pampublikong paaralan ng bayan.

Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, may kabuuang 4,200 piraso ng bluetooth speakers ang kanilang ipamamahagi sa mga mag-aaral sa Kindergarten bilang suporta na rin sa learning continuity plan ng Department of Education.

“Ito ay gagamitin nila sa kanilang blended learning sa darating na pasukan sa Oktobre 5,” pahayag ni Mayor Gacula.

Ang unang batch na 2,000 piraso ay ipinamahagi noong nakaraang Huwebes, Setyembre 3.

Ang ‘blended learning’  ang naging kasagutan ng DepEd sa Covid19 pandemic kung saan ang mga mag-aaral ay tinuturuan sa kanilang mga tahanan gamit ang Internet, printed modules o kombinasyon ng dalawa. Gagamitin naman ang mga television at radio station para sa broadcast lessons.