Nation

BLENDED LEARNING HINILING NA IPAGPATULOY

/ 3 November 2022

MULING hiniling ng Teachers’ Dignity Coalition sa Department of Education na ipagpatuloy pa rin ang pagsasagawa ng blended learning sa mga pampublikong paaralan bagama’t nagsimula nang mag- full in-person classes nitong Miyerkoles.

“Since August 22 naman ay unti-unting nagta-transition to full face-to-face ang mga school natin. Sa kabila po iyan ng mga obvious na kakulangan sa classrooms, teachers at non-teaching personnel. Iyan po ang dapat tutukan ng DepEd sa susunod na mga buwan,” wika ni Benjo Basas, national chairman ng grupo.

“Sa ngayon, inaasahan pa rin namin na pahihintulutan ng DepEd ang pagpapatuloy ng blended learning sa mga pampublikong paaralan na mahihirapang mag-comply sa 100 percent in-person classes,” dagdag pa ni Basas.

Hiling din ng grupo na gawing mandatory pa rin ang pagsusuot ng face masks sa mga silid-aralan at iba oang enclosed areas sa loob ng bisinidad ng mga paaralan.

“Iba naman ang sitwasyon sa school, congested at hindi naman weel-ventilated ang marami sa classrooms natin,” ani Basas.

“Ako po personally I would advise my students to still wear face masks, yan na lang nag proteksiyon nila eh,” dagdag pa niya.

“Walang available na water and sanitation facilities, imposible na ang physical diatancing, kaya magsuot na lang ng face masks sa loob ng room.”