Nation

BLENDED LEARNING HINDI EPEKTIBO –  LAWMAKER

/ 16 January 2021

INIHAYAG ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na hindi epektibo sa pagkatuto ng mga bata ang ipinatutupad na blended learning sa gitna ng Covid19 crisis.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Castro sa patuloy na pagkakaantala ng procurement at rollout ng ‘safe at cost-effective vaccine’.

Iginiit ng mambababatas na ang delay sa procurement at rollout ay nangangahulugan din ng delay sa ‘safe back to school’ para sa mga estudyante at guro.

“Blended learning has not been effective and limits the access of many pupils to quality education. We can no longer afford another school year of distance blended learning especially for indigent families,” pahayag ni Castro.

“The Duterte administration’s failure to immediately procure and provide the safest and cost efficient vaccine for the Filipino people will have serious consequences in education continuity amid the pandemic,” dagdag ng kongresista.

Idinagdag ni Castro na habang tumatagal na hindi nakakabalik ng paaralan ang marami sa mga kabataan, dumarami ang natitigil sa pag-aaral, dumarami ang nawawalan ng access sa kalidad na edukasyon at hindi narerespeto ang kanilang karapatan sa edukasyon.

“Ang usapin ng pagkakaroon ng ligtas na bakuna ay hindi lamang usapin ng pampublikong kalusugan kundi pati na rin sa edukasyon,” diin pa ng kongresista.