Nation

BILANG NG MALING MODULES 35 NA, DEPED USEC DUMEPENSA: “HINDI LAHAT GALING SA AMIN”

/ 13 October 2020

AMINADO ang Department of Education sa mga mali sa learning modules ngayong umiiral ang blended learning.

Ito’y matapos na mag-viral sa social media ang ilang screenshots ng netizens sa maling modules.

Sa Handang Isip, Handang Bukas online briefing ng Deped, sinabi ni Undersecretary Diosdado San Antonio na sa ngayon, 35 screenshots ng mga mali sa learning modules ang na-monitor nila.

Marami umano sa mga ito ay mali ang pagpipilian.

Ipinaliwanag naman ni San Antonio na sa 35 screenshots na na-monitor nila, isa lang dito ang dumaaan sa Kagawaran.

Ito ‘yung aralin na may pinahahanap na kulay sa estudyante pero wala namang kulay ang pahina.

Paglilinaw ni San Antonio, hindi naman lahat ng learning modules ay nanggagaling sa Central Office dahil ang iba ay sa regional at division offices.

Samantala, plano ng Deped na magkaroon ng hiwalay na Facebook page kung saan puwedeng iulat ang mga mali sa module.