BILANG NG FOREIGN STUDENTS SA PINAS BUMABA
AABOT sa 75 porsiyento ang ibinaba ng bilang ng mga dayuhan na nag-apply ng student visa o permit noong 2020 dahil sa pandemya.
“The number of foreign students in the country dropped to an all-time low in 2020,” ayon sa Bureau of Immigration.
Sinabi ng BI na nasa 1,254 lamang ang mga aplikante ng student visa noong 2020 kumpara noong sa 4,785 noong 2019.
Bumaba rin ng 31 porsiyento ang bilang ng renewal ng student visa mula 10,433 noong 2019 sa 7,170 sa 2020.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang bansa ay isa sa mga nangunguna sa pinipili ng foreign students na mag-aral ng English courses.
“Pre-pandemic, the country has been a top destination for international students wanting to take English language courses, as well as study in the field of medicine,” pahayag niya.