BILANG NG ESTUDYANTE SA ISANG KLASE PINALIMITAHAN SA 30-35
SA LAYUNING gawing mas epektibo at dekalidad ang edukasyon, isinusulong ni Senadora Grace Poe ang paglalagay ng limit sa bilang ng mga estudyante sa bawat klase.
Sa kanyang Senate Bill 1190 o ang proposed Class Size Act, nais ni Poe na i-limit sa 35 hanggang 50 ang bilang ng mga estudyante sa isang klase.
“Classrooms in the Philippines are the most crowderd in Asia,” pahayag ni Poe sa kanyang explanatory note.
Nakasaad sa panukala na ituturing na standard class size ang may 35 na estudyante habang large class size ang aabot sa 50.
Hindi naman pinapayagan sa panukala ang isang klase na mahigit sa 50 estudyante.
Binigyang-diin ni Poe na malaking tulong din sa pagkatuto ng mga estudyante kung sapat lamang ang kanilang bilang sa bawat klase.
Batay pa sa panukala, ang isang guro na hahawak ng large class size ay bibigyan ng honorarya na katumbas ng isang porsiyento ng kanyang daily rate sa bawat estudyante na sosobra sa 35.
“Oversized public school classes not only deny Filipino school children quality but also deny teachers just compensation and humane working conditions,” sinabi pa ng senadora.