“BAWAT BATA BUMABASA” CAMPAIGN PINAIGTING NG DEPED
PATULOY na sinusuportahan ng Department of Education ang programang ‘Bawat Bata Bumabasa sa Kabila ng Hamon ng Pandemya’ upang mapaunlad ang kanilang literacy skills sa kabila ng distance learning.
Ibinahagi ng DepEd ang Reading Progress Tool sa mahigit 23 milyong learners at 950,000 na mga guro.
“Through the Reading Progress tool, learners can record their own reading progress and gain a sense of independence in reading. Teachers can track the reading progress of students easily and efficiently,” ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.
Hinimok din ni San Antonio ang mga stakeholder na patuloy na suportahan ang nasabing programa
“I am convinced that if we can all work together to ensure that every child becomes a reader, we will be able to sustain quality efforts in easier ways. A wide and avid reader explores the world of knowledge on his or her own, so let’s make the youngsters excited to read,” sabi pa ni San Antonio.
Binigyang-diin din ni Bureau of Learning Delivery Director Leila Areola ang mahalagang papel ng mga eskuwelahan sa pagtiyak na nauunawaan ng kanilang mga estudyante ang kahalagahan ng pagbabasa.
Binigyang-diin niya na dapat isulong ng mga eskuwelahan ang pagmamahal ng mga estudyante sa pagbabasa.