Nation

BATAS SA BOOK PUBLISHING PINAAAMYENDAHAN

/ 4 April 2021

PINAAAMYENDAHAN ni Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor ang batas sa paglilimbag ng mga textbook.

Sa kanyang House Bill 5308 o ang proposed Educational Textbooks Accuracy and Veracity Act, nais ni Tutor na amyendahan ang Republic Act 8047 o ang Book Publishing Industry Development Act.

Sa ilalim ng batas, inalis sa Department of Education ang pamamahala sa publishing ng mga libro at ipinasa sa pribadong sektor.

Layon nito na mas marami ang mahikayat na sumali sa book publishing industry.

Nakasaad sa batas na limitado na lamang ang kapangyarihan ng DepEd sa paglalabas ng rules and regulations sa pagbuo ng minimum learning competencies o mga prototype ng mga libro na gagamitin sa public elementary at secondary schools.

“The Commission on Audit called the attention of DepEd with regard the existence of error-filled learning materials being used in public schools,” pahayag ni Tutor sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, babalangkas ang DepEd ng administrative penalties sa mga palpak na textbooks at learning materials; magkakaroon ng standards at procedures sa pagre-review ng textbooks at manuscripts at gagawa rin ng mekanismo para sa correction ng mga nilalaman ng learning materials.

Daragdagan din ang mandato ng National Book Development Board at isasama ang pagbuo ng public library na may maaasahan at publicly-accessible wifi na aabot sa 100 mbps sa bawat lungsod at munisipalidad bilang bahagi ng National Public Librady Development Program.

Mandato rin ng board na magsagawa ng book fairs sa 100 most populous cities at municipalities sa bansa para sa promosyon ng reading at learning competencies.