Nation

BASILAN STATE COLLEGE ISINUSULONG NA MAGING STATE UNIVERSITY

/ 9 December 2020

ISINUSULONG ni Senador Sonny Angara ang panukala upang i-convert ang Basilan State College sa lungsod ng Isabela bilang isang state university.

Sa Senate Bill 1936, nais ni Angara na gawin nang Basilan State University ang kolehiyo.

Ayon kay Angara, simula nang itatag ang BASSC noong 1984, tumaas ang literacy rate sa lalawigan kung saan noong 2015 census ay nakapagtala ito ng 85.6 percent literacy rate sa 210,484 household population.

“At present, the BASSC is the only public institution in the province that provides tertiary education,” diin ni Angara sa kanyang explanatory note.

Ipinaliwanag ni Angara na upang mas marami pang estudyante at cultural communities ang masakop ng ibinibigay na dekalidad na edukasyo ng institusyon, dapat na itong i-convert bilang state university.

“The conversion of BASSC into a state university shall give reform to its educational system equal to that standard of a university, and shall open more opportunities for advance education and professional training in research and in the students chosen fields of education,” dagdag pa ng senador.

Kung maisasabatas ang panukala, magkakaloob pa rin ng scholarship ang iba pang programa ng unibersidad para sa mahihirap subalit kuwalipikadong estudyante.