Nation

BASIC FIRST AID AND SURVIVAL SKILLS TRAINING IPINASASAMA SA SCHOOL CURRICULUM

/ 15 March 2021

ISA pang panukala ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para maisama sa curriculum sa lahat ng learning institutions ang Basic First Aid and Survival Skills Training.

Sa House Bill 8808 o ang proposed Basic First Aid and Survival Skills Education Act, sinabi ni Magdalo Partylist Rep. Manuel Cabochan III na mahalagang mabigyan ng survival skills at basic first aid ang mamamayan upang maprotektahan ang kanilang mga sarili at ang buong komunidad.

Sinabi ni Cabochan na batay sa 2018 World Risk Report, nasa ikatlong puwesto ang Filipinas sa most disaster-prone countries sa buong mundo.

“Both natural and man-made disasters have debilitating consequences in our nation as they often include injuries, damages, and casualties,” pahayag ni Cabochan sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, lahat ng institutions of learning na kinabibilangan ng mga paaralan, colleges, unibersidad at vocational learning institutions ay dapat na magkaroon ng curricula o kurso para sa basic first aid training and survival skills training.

Mandato ng Commission on Higher Education at Department of Education, sa pakikipagtulungan sa Department of Health, Department of the Interior and Local Government at National Disaster Risak Reduction and Management Council, na bumalangkas ng implementing rules and regulations para sa pagpapatupad nito.

Magmumula naman sa budgets ng CHED at DepEd ang kinakailangang pondo para sa implementasyon ng mga probisyon ng batas.