Nation

BASAHIN: PAYO NI ATTY. DIOKNO SA ISANG GRADE 12 STUDENT

/ 25 October 2020

BINIGYANG-INSPIRASYON ni Atty. Chel Diokno ang isang Grade 12 Humanities and Social Sciences student matapos nitong humingi ng payo kung paano magiging isang mabuti at mahusay na abogado sa hinaharap.

Sa email ni Hans Kasilag, mag-aaral ng Tayabas Western Academy, ay tinanong niya si Diokno kung paano magiging matagumpay na abogado dahil nais niyang maging katulad nito.

“What are your advices to all aspiring lawyers? What basic laws do HUMSS students need to know?,” tanong ni Kasilag.

Labis itong ikinatuwa ni Diokno at agad na tumugon sa pamamagitan ng kaniyang executive assistant. Sa kaniyang paliwanag ay sinabi niyang ang pinakamahalagang bagay na dapat na alam niya ay ang pagiging patas, ang palagiang paggawa ng tama, at ang panghihikayat sa kapwa na maging patas at maging tama rin.

Ito umano ang mga aral ni Ka Pepe, ang ama ni Diokno, na nais niyang ipasa sa mga susunod na henerasyon, bukod sa pagiging dedikado sa propesyon, sa patuloy na pagsasanay at pag- aaral para mapabuti ang kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat, gayundin sa pag-arok sa sinasabi ng Konstitusyon, partikular ng Bill of Rights.

“Always keep in mind what the law is for. Here I’d also like to share what my father taught me: that the task of the lawyer is to persuade people to do what is right and fair. It’s easy to lose sight of this in law school and in the legal profession – but if there’s anything in this email that I would like you to always remember, it’s this. And so even now, I hope you practice this. This, perhaps, is the best way to prepare for the legal profession: to always do what is right and fair, and to convince others to do the same. Do this in all things, both big and small. Do this inside the classroom, and outside in your daily life. Do this for everyone – not just when you’re the one being wronged or experience unfairness,” tugon ni Diokno.

Malaki ang pasasalamat ni Kasilag sa tugon ng isa sa kaniyang mga tinitingalang abogado at sinabi niyang bibitbitin niya ang mga aral hanggang sa maging isa siyang ganap na propesyonal.