BALIK-TURO PROGRAM PARA SA DISPLACED OFWs INILUNSAD NI PBBM, DEPED
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng programa para maibalik sa local workforce o mabigyan ng hanapbuhay ang mga napauwing overseas Filipino workers sa Tacloban City, Leyte.
Kasama ni PBBM sina Education Secretary Sonny Angara at Migrant Workers Secretary Hans Cacdac sa Leyte National High School gymnasium kung saan isinagawa ang launching ng nationwide expansion of reintegration services para sa displaced OFWs, partikular ang mga dating guro na nagtrabaho sa ibang bansa.
Tampok sa nasabing launching ang “Balik-Turo: A Hero’s Journey Home” , isang inisyatiba na tututok sa whole-of-government Bayanihan para sa Balikbayang Manggagawa National Reintegration Network (NRN) Regional Fairs na gaganapin sa lahat ng DepEd venues sa buong bansa..
Ang “Balik-Turo” program ay tatampukan ng mga guro mula sa “Sa Pinas Ikaw ang Ma’am at Sir” (SPIMS) program na magbabahagi ng mga patotoo hinggil sa kanilang tagumpay sa overseas employment kapag nakabalik sa public schools.
Binigyang-diin ng mga educator na ito kung paano pinawi ng pinahusay na proseso ng aplikasyon ng SPIMS ang kanilang mga pangamba at pinahintulutan silang ipagpatuloy ang kanilang bokasyon sa pagtuturo sa loob ng kanilang sariling mga komunidad
“Layunin ng SPIMS ang tulungan ang mga Filipino OFWs na makapasa sa Licensure Examination for Teachers ng sila’y makapagtrabaho sa ating mga pampublikong paaralan,” bahagi ng talumpati ni PBBM.
Mula nang simulan ito noong 2014, matagumpay na naisama ng SPIMS program, sang collaborative effort kasama ang DMW, ang 11,056 guro na OFW sa DepEd system.
Batay sa datos, ang natiowide expansion ng NRF Fairs at Balik-Turo program ay naging matagumpay kasunod ng pilot program mito sa Quezon City noong April 4.
Ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa mga ahensiya ng gobyerno na unahin at tiyakin ang kaligtasan at seguridad sa ekonomiya ng mahigit 5,000 OFWs at kanilang mga dependent na kamakailan ay nakauwi mula sa mga lugar na may mataas na peligro sa Middle East.
Kinilala rin ni PBBM ang serbisyo ng DepEd at sinabing nagbibigay ng mahahalagang serbisyo, kabilang ang isang nakatuong SPIMS Help Desk at on-site na pagpaparehistro para sa mga pagsusulit sa Accreditation and Equivalency (A&E), sa panahon ng isang linggong NRN Regional Fairs.
Maaari ring ma-access ng mga pamilya ng OFWs ang Philippine Educational Placement Test (PEPT) registration at ang Senior High School voucher program para matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng kanilang mga anak.