Nation

BAKUNA MUNA BAGO F2F CLASSES — SOLON

/ 17 December 2020

AMINADO si BHW Partylist Rep. Angelica Natasah Co na higit na epektibo pa rin sa pag-aaral ang face-to-face classes.

Gayunman, sinabi ni Co na mas makabubuti at tiyak na ligtas ang face-to-face classes kung babakunahan muna kontra Covid19 ang mga guro at estudyante.

Binigyang-diin ng kongresista na bagama’t ang tahanan ang unang paaralan ng bawat isa, kulang pa rin ang lahat ng mga pagsisikap na magkaroon ng formal schooling sa pamamagitan ng modules, blended learning, online learning at distance learning sa TV at radio.

Samantala, naniniwala si Senador Win Gatchalian na ang pagsasagawa ng localized limited face-to-face classes sa low-risk o Covid19-free areas ay makatutulong upang masolusyunan ang mga problema sa distance learning.

Tinukoy niya ang kawalan ng access sa internet connection sa ilang lugar sa bansa at ang kawalan ng kakayahan ng ilang mga magulang na maturuan ang kanilang mga anak.

“These problems are even more pronounced in calamity-stricken areas where even the self-learning modules were destroyed,” pahayag ni Gatchalian.

Iginiit naman ng senador na habang unti-unti nang binubuksan ang mga paaralan, hindi dapat magpabaya sa istriktong implementasyon ng health protocols.

“While we are gradually reopening schools, we should never let our guard down. Health protocols such as the wearing of masks and physical distancing should be strictly observed,” diin ng senador.

“We also have to make sure that we have well-ventilated learning spaces, and that handwashing and sanitation facilities are available. Finally, we have to ensure that schools and local government units have reporting and referral systems in place to handle infections. This includes ensuring access to testing and treatment for our teachers and non-teaching staff,” dagdag pa ng mambabatas.