Nation

BAGUIO CITY HIGH SCHOOL FOR THE ARTS IPINATATAYO

/ 20 June 2021

IPINANUKALA ni Baguio City Rep. Mark Go ang pagtatayo ng High School for the Arts sa kanilang lungsod.

Sa kanyang House Bill 9387, iginiit ni Go na sa pamamagitan ng pagtatayo ng Baguio City High School for the Arts, matitiyak na malilinang ang pagiging artistic at intellectual expression ng mga kabataan ng lungsod at iba pang kalapit na lugar.

“In 2017, Baguio City became the  first Philippine City to be inducted into the UNESCO Creative Cities Network. The city has been recognized by the global initiative for its crafts and folk arts expressions which do not only showcase indigenous talents, but also provide sustainable livelihood to many residents through the city’s local trade ad creative trourism economy,” pahayag ni Go sa kanyang explanatory note.

Binigyang-diin ni Go na bagama’t kilala ang lungsod na malakas ang tourism economy, marami ring technological parks sa Baguio at patuloy ang kanilang paghikayat para sa culture of innovation at modernization.

Idinagdag ng mambabatas na ang lungsod ay isang cultural, technological, at academic hub sa Northern Luzon, lugar din ito para sa young Filipinos na nais i-explore at linangin ang kanilang pagkagusto sa sining.

Batay sa panukala, ang itatayong paaralan ay pamumunuan ng Department of Education, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts at Cultural Center of the Philippines.

Binigyang-diin pa ni Go na sa pamamagitan ng high school for the arts, mabibigyan ng pagkakataon ang kabataan na makita ang creative sector bilang opsiyon sa kanilang career at livelihood.

Dahil dito, inaasahan ni Go na mas marami pang National Artists ang made-develop sa Baguio.

“Baguio is home to National Artists Benedicto Cabrera, better known as BenCab, and Eric Oteyza or Kidlat Tahimik,” dagdag pa ni Go.