Nation

BAGONG SCHOOL BUILDING SA PASIG PINASINAYAAN

/ 21 November 2021

PINASINAYAAN kamakailan nina Pasig Rep. Roman Romulo at Mayor Vico Sotto ang 4-storey, 12-classroom school building sa Dr. Sixto Antonio Elementary School sa Barangay Bambang.

Ayon kay Romulo, ang patuloy na pagtatayo ng mga bagong gusali at pagsasaayos ng mga sirang school facilities ay bahagi ng mga preparasyong ginagawa ng lokal na pamahalaan para sa pagbubukas ng face-to-face classes.

“Sabi nga ni Mayor Vico paghandaan na natin talaga ‘yung pagbalik sa normal, so itong mga buildings ay tinutuloy na natin para matapos na po,” ani Romulo.

“Pagbalik ng ating mga mag-aaral at teachers ay kahit papasno maging welcome sites sa kanila,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi rin ni Romulo na nasa walong newly constructed school buildings na ang kanilang nai-turn over simula nang maloklok sila sa puwesto noong 2019.

“Lahat naman po ‘yun ay in coordination siyempre with the city, sa school principal at DepEd kung ano ‘yung mga pangangailangan nila,” sabi pa niya.

“Sa ngayon po may mga apat na schools buildings na hinihintay pa natin,” dagdag pa ng mambabatas.

Bukod sa school facilities, patuloy rin ang isinasagawang pagbabakuna ng lokal na pamahalaan sa mga mag-aaral edad 12 hanggang 17 at mga guro upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa pagbabalik ng face-to-face classes.

“Lahat naman po siguro tayo gusto na natin makabalik na sa face-to-face classes, pero siyempre kailangan nating gawin na ligtas,” ani Sotto.