Nation

BAGONG K TO 10 CURRICULUM ILULUNSAD NA

NAKATAKDANG ilunsad sa mga susunod na linggo ang bagong curriculum para sa Kindergarten hanggang Grade 10, ayon sa Department of Education.

/ 28 July 2023

NAKATAKDANG ilunsad sa mga susunod na linggo ang bagong curriculum para sa Kindergarten hanggang Grade 10, ayon sa Department of Education

“So dito sa curriculum, we have started, in fact, we are about to launch the recalibrated K to 10 curriculum ‘no, in a few weeks’ time, probably around mid-August. So K-10 ‘no, we need to clarify this, nagkakaroon kasi ng mga haka-haka na wala na iyong K-12. Actually, nandiyan pa iyong K-12, nauna lang pong ma-review iyong K-10 at iyon ang una nating natapos,” sabi ni DepEd Undersecretary Michael Poa sa Post-SONA discussions sa Hilton Hotel, Pasay City

“But the review of the senior high school curriculum, mainly Grades 11 and 12, are underway. We already have a national task force doing that. We hope to complete that within a year’s time. So iyan po iyong ating curriculum,” dagdag pa niya.

At para marating ang learning recovery bunsod ng nakaraang pandemya, babawasan umano ang kurikulum sa basic education at magpo-focus na lamang sa fundamental learning areas tulad ng Math, Science, at Reading.

“In fact, sa reading program, mayroon din tayong iro-rollout na mga national reading program at mayroon din tayong ginagawang proyekto ngayon with Sec. Rex of DSWD sa reading,” ani Poa.

Sinabi rin ni Poa na nagtayo ang kagawaran ng isang ‘Learner Rights and Protection Office’ na tututok sa mental health issues ng mga mag-aaral at mga pang-aabuso sa eskwelahan.

“In fact, we already launched our TeleSafe hotline para mayroon na pong direct line iyong ating learners and parents para makapag-complain or makapagbigay sa ating ng mga insidente, and to give us awareness kung ano talaga iyong nangyayari sa ating mga learners sa field,” ani Poa.

Palalawakin din, aniya. ang school-based feeding program ng kagawaran nang sa ganoon ay mas marami pang mga bata ang makinabang dito.

“Further, what’s important with learners is also nutrition – parati kasing nakakalimutan iyan. Pero napakahirap mag-aral kapag wala ka sa tamang nutrisyon sa katawan. And that’s why we have the school-based feeding program. We are looking—kasi sa ngayon, nasa 120 days for the school year ang ating school-based feeding program, we are looking to expand this, to try and see if we could have it for the entire school year,” ani Poa.

“And that’s very important ‘no because it hits two birds with one stone, ika nga because aside from giving proper nutrition to our learners, it also encourages our learners to stay in school. So nababawasan din po iyong dropout rates kasi kapag gutom ka, bakit ka papasok, ‘di ba, wala ka ring matututunan. So that’s a very important program for us,” dagdag pa niya.