Nation

BAGONG HIGH SCHOOL SA ZAMBOANGA CITY APRUB NA SA HOUSE PANEL

/ 15 May 2021

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala para sa pagtatayo ng isang bagong national high school sa Zamboanga City.

Sa virtual hearing na pinangunahan ni Pasig City Rep. Roman Romulo, nagkasundo ang mga miyembro ng komite na iendoro na sa plenaryo ang House Bill 5290.

Alinsunod sa panukala, magtatayo ng isang national high school sa Barangay Mampang sa lungsod na tatawaging Mampang National High School.

Sa pagdinig, sinabi ng may akda ng panukala na si Cong. Manuel Jose Dalipe na batay sa datos, nasa 180 ang elementary schools sa lungsod subalit ang high school ay nasa 37 lamang.

“Education is the most basic social service that the government can provide its citizenry. It is essential requisite for economic growth and the key to nourishing secure, healthy and productive individuals,” pahayag pa ni Dalipe.

Suportado rin ng Department of Education ang panukala upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming estudyante na magkaroon ng dekalidad na edukasyon.

Sa sandaling maging ganap na batas, mandato ng DepEd na isama sa kanilang taunang budget ang operasyon ng Mampang National High School.