BAGONG DISENYO NG P1,000 BILL INALMAHAN NG UP FACULTY MEMBERS
NAGPAHAYAG ng matinding pagkadismaya ang mga faculty member ng University of the Philippines sa bagong disenyo ng P1,000 bill.
Sa isang statement, sinabi nila na dapat nagsagawa muna ng public consultation ang Bangko Sentral ng Pilipinas bago inalis ang mga larawan ng tatlong bayani sa nasabing bill at palitan ng Philippine Eagle.
Sa bagong disenyo ng P1,000 bill ay tampok ang Flora and Fauna.
Iginiit ng faculty members ng UP na sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, at Gen. Vicente Lim ay kumakatawan sa kadakilaan ng tatlong Pilipino na karapat-dapat sa karangalan at maging ehemplo lalo na ng kasalukuyang henerasyon.
Anila, ang kanilang ipinakitang malasakit sa kapwa, katapangan, pagiging makabayan at determinasyon ay labis na kahanga-hanga.
Ipinaglaban ng tatlong bayani ang kalayaan at demokrasya sa panahon ng matinding hamon ng kasaysayan ng Pilipinas
Namatay ang tatlo sa paglaban sa mga mananakop at ito ang kanilang pamana sa mga batang henerasyon.
Mahalaga umano na naroon ang kanilang larawan sa P1,000 bill dahil iyon lang ang magpapaalala ng kaning kagalingan sa mga Pilipino.
“A nation’s currency is a potent tool that can be harnessed to project a country’s heritage, tradition, and history to the public and the world,” bahagi ng pahayag ng UP Faculty.