Nation

‘AYUDA PARA SA MGA PAMANA’ INILUNSAD NG GRUPO KALINANGAN

/ 16 August 2020

HINDI lamang mga kainan, pasyalan, at malls ang sarado, at  hindi lamang din mga guro at mga drayber

ang nawalan ng  trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Ang mga mamamayan nating gumagabay sa tuwing tayo ay namamasyal sa mga makasaysayang pook sa Filipinas, sampu ng mga museo, museleo, aklatan, ay kabilang din sa mga labis na naaapektuhan at nangangailangan ng ayuda at kalinga.

Ito ang dahilan kung bakit sinimulan ng Grupo Kalinangan ang ‘Ayuda para sa mga Pamana’  fund-raising drive.

Ayon sa kanilang ulat, maraming mga manggagawang kultural sa buong bansa ang nawalan ng trabaho mula sa halos limang buwan na pagsasara ng mga pasyalan at dahil sa tuluyang paghina ng lokal at internasyonal na turismo.

Sa likod ng katotohanang ito ay tila hindi sila kasama sa prayoridad ng pamahalaan upang matulungang bumangon sa kinahaharap na krisis, lalo pa’t walang abiso sa kung kailan muli sila makababalik at makapagbubukas ng kani-kanilang tanggapan.

Wika ng Grupo Kalinangan, “With your support and donation to our AYUDA PARA SA PAMANA campaign, you can help these local museums get back on their feet again by providing them with the necessary financial assistance for museum rehabilitation, operations, salaries and allowances for their museum employees and staff, as well as capacity building for turning their museum collections into digitally-curated exhibits and online museum experiences.”

Ang inaasahang maiipong P250,000 hanggang Setyembre 30 ay sapat para maabot ang mga kawani at manggagawa ng mga sumusunod na museo:

  • Museo Pambata (Roxas Blvd., Ermita, Manila)
  • The Negros Museum (Bacolod City, Negros Occidental)
  • BIPSU Museum (Biliran Provincial State University, Naval, Biliran)
  • Hofileña Museum (Silay City, Negros Occidental)
  • D’Bone Collector Museum (Davao City)
  • Boljoon Parish Museum (Boljoon, Cebu)
  • Bantayan Parish Museum (Bantayan, Cebu)
  • Philippine-Japan Historical Museum (Davao City)
  • Upside Down Museum (CCP Complex, Pasay City)
  • Museo Iloilo (Ilo-ilo City)
  • Balangiga Encounter Museum (Balangiga, Eastern Samar)
  • Blanco Family Museum (Angono, Rizal)
  • Malagos Chocolate Museum (Davao City)
  • Museo de Mariposa (Davao City)

Bunsod nito ay nananawagan ang grupo sa mga Filipinong  may pusong mapagbigay para sa

mga manggagawang kultural ng Filipinas.

Para makapag-abot ng tulong, bisitahin lamang ang https://grupokalinangan.org/product/ayuda-para-sa-pamana.