ASSESSMENT SA LEARNING MODALITIES PAGTIYAK KUNG EPEKTIBO ANG MODYULAR
IPINANUKALA ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture chairman Sherwin Gatchalian sa Department of Education na magsagawa ng assessment sa ipinatutupad na sistema ng edukasyon sa gitna ng Covid19 pandemic.
Ito ay upang matukoy kung epektibo ang mga sistemang ipinatupad para makapagpagawa ng kaukulang adjustment at matiyak ang dekalidad na edukasyon.
“Pinakamainam ay magkaroon ng formal assessment at para makita kung effective iyong mod-ular o modules na ginagamit natin,” pahayag ni Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na sa kanilang panig naman ay bagama’t wala pang formal assessment ay patuloy ang kanilang monitoring sa pakikipag-usap sa mga magulang at mga guro.
“Wala pa tayong formal assessment pero mino-monitor ho namin sa pamamagitan ng interaction with our principals, with our teachers and most of all, our school officials, so doon. Mino-monitor din namin, nakikipag-usap rin ho kami sa mga magulang natin at lokal na pamahalaan dahil ma-laki po yung kanilang papel para masigurado na natuto po yung bata,” dagdag ng senador.
Tiniyak din ng mambabatas na sa sandaling makagawa na ng assessment ang DepEd ay kanila itong tatalakayin sa kanilang komite.
“At iyon (assessment) ay isang bagay po na tatalakayin ho namin sa komite para makita ho natin kung epektibo ho ba itong modules at kung ano iyong mga susunod na hakbang dahil ang ating klase hanggang mid-December lang at magkakaroon ho tayo ng assessment kung ano po iyong magiging hakbang sa susunod na taon,” dagdag ni Gatchalian.