ASSESSMENT NG DEPED SA F2F CLASSES ISUSUMITE NA KAY PRRD
NAKATAKDA nang isumite ng Department of Education ang assessment report nito sa pilot implementation ng face-to-face classes, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
“Pina-finalize na although within the framework of the general instructions of the President that we can already make decisions in consultation with the Health [department],” sabi ni Briones.
Bukod sa Department of Health, nakipagtulungan din ang ahensiya sa Department of the Interior and Local Government para sa maayos na implentasyon ng in-person classes.
Sa pag-apruba ng Pangulo, pinayagan ang DepEd na muling buksan ang mga paaralan para sa pilot face-to-face classes noong Nobyembre 2021.
Nakatakda sana ang expansion phase ng limited face-to-face classes simula ngayong Enero ngunit ipinagpaliban muna ito dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid19 sa bansa.