Nation

APPLICATION PARA MAGING KADETE NG PNPA HANGGANG SET. 30

/ 22 August 2022

NAGPAPATULOY ang pagtanggap ng Philippine National Police Academy sa aplikasyon ng mga nais maging ‘Iskolar Para sa Bayan’ o ang PNPA Cadet Admission Test.

Batay sa bulletin ng state college, hanggang Agosto 19 ay mayroon nang 3,274 na approved application ang kanilang natanggap sa pamamagitan ng PNPACAT online application.

Sakop ng nasabing numero ang submission simula noong Agosto 13 hanggang Agosto 19.

“14th Partial List of the approved applications submitted in the PNPACAT Online Application covering August 13, 2022 to August 19, 2022,” nakasaad sa kanilang Facebook page kung saan naroon din ang mga pangalan.

Hinikayat naman ang mga aplikante na makibahagi sa PNPACAT Group “PNPACAT INFORMATION LINE” na eksklusibo lamang sa mga nangangarap maging kadete.

Magtatagal ang pagtanggap ng PNPACAT hanggang Setyembre 30.