Nation

APLIKASYON PARA SA 2024 BAR EXAMS SIMULA NA SA ENERO 15

ITINAKDA ng Supreme Court ang application period para sa mga nais kumuha ng 2024 Bar Examinations sa Enero 15 hanggang Abril 5.

/ 12 January 2024

ITINAKDA ng Supreme Court ang application period para sa mga nais kumuha ng 2024 Bar Examinations sa Enero 15 hanggang Abril 5.

Sa isang Bar Bulletin, sinabi ng SC na ang lahat ng bagong aplikante o mga dati nang kumuha na walang existing accounts sa Bar Applicant Registration System and Tech Assistance (BARISTA) ay maaaring lumikha ng individual account sa https://barista.judiciary.gov.ph/

“All applicants are required to complete/update their respective profile, fill out the application form, upload/re-upload digital copies of the documentary requirements, and pay P12,800 application fee exclusively through the modes provided in the BARISTA,” ayon sa SC.

Sinabi ng SC na sa loob ng 10 calendar days mula sa approval ng aplikasyon, kailangang isumite ng mga aplikante ang kanilang printed application forms at iba pang mandatory requirements sa Office of the Bar Confidant (OBC).

Kailangan ding i-upload ng mga aplikante ang digital copies at isumite ang physical copies ng deferred documentary requirements sa BARISTA at sa OBC sa Oktubre 15.

Ang susunod na Bar exams ay itinakda sa Setyembre 8, 11, at 15, kung saan si Associate Justice Mario Lopez ang chairperson.